Saturday, March 31, 2007

Thoughts on a Past Year (R09)

Okay, so my english class (R09) just finished our modern adaptation of Bill Shakespeare's "A Midsummer Night's Dream." I watch waaaay too much theatre. It was a magnificent performance, and I couldn't be prouder of them all. If any of the R09 people are reading, I know I've been a loner-ish oddball warfreak pain in the ass, but believe me, I enjoyed every moment in our english classes. (forget my cuts) I may not have shown it enough, but I have grown to know each of you by name, and I truly found spending those last days with you a truly blissful experience. (again forget my cuts) I'm sorry I didn't open up, as you guys didn't open up to me either, and I guess the whole year was one big misunderstanding after another. I am actually a sweet, sensitive, heartwarming person who is quite sociable. I just didn't feel like being one at 730 in the morning. Anyway... It's mostly my fault. I'm sorry for the lit shouting fiasco, the times I let any of you guys down, and for seeming like such a tightassed snob. I truly care for you guys though... I guess I'll be here if anyone needs me (which is doubtful) but anyway... thanks for a really sublime year. I LOVED it. Thanks especially to certain people like Xans Bernie Kat Glee who actually bothered to listen to my inconsistent ramblings, and the people who became my groupmates, and to all of you guys... first year was more than just comfortable... thanks for that...

Tuesday, March 27, 2007

Finals Week: CRUNCH TIME!

Crunch Crunch! Finals na poh! It's hell I know, but I have to get through it. 1.8 QPI... I HAVE to reach it.

Wednesday, March 21, 2007

When People You Love Leave You

My uncle just died... he was a definitive part of my childhood... He was dear to me...

Tuesday, March 20, 2007

Just Thinking... on 300

300 the movie... Leonidas... real... 300 Spartans... real... "Hot Gates"... real... (Battle of Thermopylae... Thermos- heat Pylos- Passageway)... coooool...

Lysistrata

Watched a play, Lysistrata (original play by Aristophanes) last friday... The play itself was about the Peloponnesian war, and how an Athenian woman came up with the idea of witholding sex from their husbands until the war stopped. Her idea spread throughout Greece, and eventually even Corinth and Sparta joined in the "no sex until no war" thing. Anyway... the play I watched though was a modern adaptation... Atenean women witholding sex from their Atenean boy friends until they stop the whole DLSU AdMU rivalry... They supposedly hid themselves inside the Manuel Pangilinan Center, and refused their boylets happy time, unles they make up with the greens... It had a VERY sexual undertone, with the characters playing it out beautifully. It was at a high point of satire, unlike most who overdo the sexuality and turn proper plays into sleaze fests. memorable lines? "Wait! Wait! That La Sallian has a knife! Wait, that's not a knife... that's an erection!" Needless to say, it was hilarious, but unsuitable for kiddies... The parents who watched it... You should have seen their faces. Pity it was only a one night show... the'res another cool one coming up though... "Dante's High School Inferno!" sounds interesting... I'm going.

Monday, March 19, 2007

Poems on a Boring Math Class

ageless

I am ageless, like the water that brings life, like the air that serves breath, like the earth that holds firm, like the fire that consumes all. I am all these things. I am eternal.

I am ageless, as my hand is cast in stone, or passed on through by ink, or by sweet songs that bards do sing, or purely by virtue of my name. I am by my hands. I am eternal.

limmerick

still now my world is full of song, but i do not sing along, for though the music fills the air, my mind is lost out there somewhere.

Poems on a Boring Math Class.

back after a 3 month sabbatical

Okay, so I haven't had time to update this thing, since as I'm sure you know, we all have problems. This should be a sufficient restart for this thing... It's an essay (in Filipino) entitled "Dapit-hapon sa Ayala." It's about the (sort of apocalyptic) fall of Ayala Center into disuse and decay.

Dapit-hapon na sa Ayala

Dapit-hapon na sa Ayala. Ang langit ngayo’y nagbabagang apoy, o danak ng dugo sa kanluran, simbolo ng walang pag asang paglaban sa lumalaking sakop ng dilim para sa munting espasyo sa kalangitan na naiwan sa liwanag. Sa silangan, ay nabubuo na rin na parang ginuguhit mula sa hamog, ang kabilugan ng buwan. Nagsisilbing tanging ilaw sa malawak at madilim na kalangitan ang buwan, dahil matagal nang panahon ang nakaraan mula noong panahong inilaw ng Ayala ang kanyang sarili. Kahit sa malabong ilaw ng gabi, di maitago ng dilim ang kinalabasan ng sentro ng komersyo ng nakalipas na siglo. Ang panahon nga naman, sino nga ba ang kayang maghimagsik laban sa kanyang kagustuhan? Ang mga higante ng semento, bakal, at salamin; mga gusaling tumatangan sa hanganan ng langit, mga simbolo ng kaunlaran, ngayo’y multo na lamang ng kanilang dating kaanyuan. Maduduming mga pader ang madadatnan ngayon. Nangingitim sila, at nilulumot sa pagdaan ng mga taon. Mga batak na lamang na tinapalan ng mga pinagtagpi-tagping yero, ang naiwan sa dating makinis nilang mga mukha. Itinago sa likod ng mga piraso ng plywood at packaging tape ang mga basag na bintana. Maraming kwartong bakante, na hindi man lang pinapansin. Iniiwan nalang sila sa kamay ng kalikasan at anino. Sa ilalim ng mga naglalakihang gusali, sa mga nakatagong gilid ng Ayala Avenue, nakalinya ang daan daang mga bahay ng mga isinantabi ng urbanidad. Ginigipit ng kanilang mga barong barong ang abenidang tinatabihan nila. Amoy na amoy ang unti unting pagbulok ng Ayala. Mula sa mga barong barong, nangagaling ang amoy ng sabong panlaba, at maruming tubig na itinapon na lamang sa daanan. Nasasama pa rito ang amoy ng sunog na mantika, at ang tae ng daga. Lumulutang sa hangin ang mga malansang amoy na talagang nakakasuka. Isama pa ang naiwang deposito ng carbon monoxide na iniwan ng modernasyon ng nakaraang siglo. Mula sa mga gusali, amoy ang basa at nabubulok na kahoy, tinta ng printer, at sunog na goma. Amoy din ang matapang na amoy ng basang basura na itinambak na lamang sa tabi ng mga gusali, at ang panghi ng mga pinagihian ng mga tao. Nawala na talaga ang kagandahan ng kalakhang iyon. Nawala na rin yata ang respeto sa pagaaring pribado. Mga bandelismo lamang ang tanging kulay ng siyudad. Sa lahat ng mga pader, may mga nakasulat, na kung anong kababalakhan. Mayroong mga pangalan ng tao, o pangalan ng isang barkada, o isang fraternity. Pwedeng malaking espasyo ang nagamit sa pagsulat, o maaaring isang maliit lamang siya na guhit. Pati sa mga rebulto ng mga nakaraang bayani hindi na rinirespeto. Si Ninoy, ay puno na ng pintura sa mukha, si Gabriella nawawalan na ng sandata, at ang rebulto ni Chiz Escudero, nawawalan na ng mukha. Isang malaking tiangge ang dating Ayala Center. Natatago sa kalaliman ng kawalan ng pagasa, kawalan ng pera, at galak sa pagkababa ng mga presyo ng bilihin ang dati niyang kagandahan, at parangal bilang isa sa pinakamaganda sa mundo. Sira sira, at walang pagkukumpuni ang kanyang magarbong arkitektura, parang perlas na itinapon na lamang sa mga baboy. Wala na ang makukulay na ilaw na dating nagpabuhay sa istruktura. Iniwan na lamang sila, mga bangkay na lamang ng dati nilang kaanyuan, mga bubog na lamang sila. Wala silang buhay, dahil walang ilaw na nilalaman. Wala na rin ang dating kasaganahan ng mga puno ng dating Ayala. Ipinutol sila dahil hadlang daw sila sa kaunlaran ng Ayala. Kaunlaran ba ang hinaharap ng Ayala, o ang unti unting pagbulok ng kung ano dati ang sentro ng Pilipinas? Tila parang isang desyerto ang naiwan sa dating berdeng berde na Ayala. Naging isang tambakan ng naisasantabi ang dating kagalanggalang na Ayala. Walang ni isang pirangot ng dating kasaganahan ang naiwan dito, upang magsilbing paalala ng panahon noong ito pa ay nasa taluktok ng kanyang pamamalagi. Masaklap isipin ang pagkaiba ng Ayala ngayon at noong isang daang taon nakalipas. Ang degredasyon ng lugar, at ang pagiba ng katauhang nabubuhay doon. Ganoon nga naman ang nangyayari sa bagay. Industrialisasyon, commersyalismo, at isang sentro ng lahat, biglang pag masyado nang maliit ang lugar, o hindi na kaya ng inprastruktura ay iiwanan nalang ng mga capitalista, at iiwan nalang sa kamay ng anarkiya.