Sa paghihirap na sa wala ang hantungan
Sa nakukuhang kagustuhan pero wala ang kailangan
Sa pagod na hindi maitulog
Sa pagkahulog na walang hanggan
Ang mga luhang dupadaplos sa iyong mukha
Sa kawalan ng hindi na man maibabalik
Sa pagmamahal na walang kapalit
Ano pa nga ba ang mas masakit?
Ang liwanag ang siyang magdadala sa'yo sa aking piling
At ika'y pilit na bubuhayin
At sa aking makakaya, ika'y bubuohin.
Sa kataasan man o sa lubugan
Sa pagiirog na di mapakawalan
Sa kawalan ay walang matututunan
Matutunan ang sariling halaga
Ang liwanag ang siyang magdadala sa'yo sa aking piling
At ika'y pilit na bubuhayin
At sa aking makakaya, ika'y bubuohin.
Ang mga luhang dupadaplos sa iyong mukha
Sa kawalan ng hindi na man maibabalik
Ang mga luhang dupadaplos sa iyong mukha
At ako nama'y...
Ang mga luhang dupadaplos sa iyong mukha
Pangakong matututo sa mga kamalian ko
Ang mga luhang dupadaplos sa iyong mukha
At ako nama'y...
Ang liwanag ang siyang magdadala sa'yo sa aking piling
At ika'y pilit na bubuhayin
At sa aking makakaya, ika'y bubuohin.
No comments:
Post a Comment