Noong siya'y umalis, 'di man lang ako makaimik. Inabot ko ang aking maleta at pinuno ng mga alaala at mga "kung sana." Naghanap ako ng taxi sa kalakasan ng ulan, naghahangad ng kalayaan mula sa nararamaman.
At parang pinagpalang panalangin, pinihit ag tingin at nagtagpuan ko'y ikaw.
Paano mo nalaman na kailangan ka ng puso ko? Paano mo natutunang ayusin ito? Ang iyong mga kamay, bahid ang lunas sa sakit ng sinomang baliw na kanyang mga panaginip ay nasawi sa wala. Ayusin mo ako.
Hini ko maintindihan ang nararamdaman ko, baka nga naman plano ito ng tadhana na magtagpo tayo, dahil biglang naglaho ang mga hinanakit ko sa bawat pagkakataong magkalapit tayo.
At parang pinagpalang panalangin, nakayanan mong ibayuhin ang lungkot na nasa akin.
Paano mo nalaman na kailangan ka ng puso ko? Paano mo natutunang ayusin ito? Ang iyong mga kamay, bahid ang lunas sa sakit ng sinomang baliw na kanyang mga panaginip ay nasawi sa wala. Ayusin mo ako.
Titigil din ang ulan, at malilimot ko din ang kahapon, dahil ito na ang kinabukasan ko.
Paano mo nalaman na kailangan ka ng puso ko? Paano mo natutunang ayusin ito? Ang iyong mga kamay, bahid ang lunas sa sakit ng sinomang baliw na kanyang mga panaginip ay nasawi sa wala. Ayusin mo ako.
No comments:
Post a Comment