Monday, May 07, 2007

Mga Kakilakilabot na Tagpuan sa Buhay ni Teresa Nimpomanya! Reyna ng Libertad! Ang Unang Kabanata

Ang Unang Kabanata: Bangkangsaging
Ang unang araw ng bentahan ng gulay sa pamilihang bayan ng Libertad ay nagsimula bago man sumikat ang araw. Mga taong nagmimilingmiling sa palengke ay naguunahan sa mga sariwang gulay na dala ni THERESA NIMPOMANYA! ang REYNA ng LIBERTAD! At nasaan nga ba ang ating bida? Ayun sa may kangkungan! Nagbebenta! Aba, kaysipag nga naman ni Teresa! Kalahati ng araw ay kanyang ibinibigay sa pag-alaga ng kanyang mga pamilihan ng gulay. Sinisigurado niya na ang sangkatauhan ng Libertad ay may mura at sariwang gulay na mabibili! Tanghalian na, at paalis na ang reyna sa pamilihang bayan. Sakay ang Luntiang Kareton na pinahiram sa kanya ng kaibigang si Reyna Neneng ng Munting Lupa, paparada siya sa kanyang kaharian, nagbibigay ligaya sa mga nakakakita sa kanya. Kay saya nga naman ng mga tao ng Libertad! Parang tila walang gabi habang reyna si Teresa! "Ang parada ng reyna! Mapaparito ngayong araw!" Maligalig na sigaw ng mga mamamayan ng Libertad sa tabi ng ilog kama. "Paparating na siya! kumanta tayo ng pabuya sa kagandahan niya!" Dumating na ang minamahal na reyna! pakendengkendeng pa sa taas ng Luntiang Kareton! "Magandang araw mga tao ng Libertad sa tabi ng ilog kama! Paano na kayo? Nakabili ba kayo ng talong at kamatis?" Tanong ng mahal na reyna. "Opo reynang mahal!" Sagot ng mga tao. Tumuloy ang kanyang parada sa tabi ng ilog kama ng biglang mayroon siyang nakita! May tao sa ilog kama! Na may... bangkangsaging! "Kay LAKI ng bangkangsaging niya!" sigaw ng reyna. "Sino kaya siya, mayari ng bangkangsaging!" Bumaba sa Luntiang Kareton ang reyna. "Oh, sailor!" agaw atensyon na sinigaw ni reyna Teresa sa namamangka. "Ilapit mo dito ang bangkangsaging mong kalaki-laki!" Lumapit ang namamangka. "Ano ang kailangan mo sa akin, kung sino ka man?" Sabi ng namamangka. "Ako si reyna Teresa Nimpomanya ng Libertad! Ikaw, sino ka?" Sagot ni Teresa. "Ako si Mardong Manggagawa, at ito ang aking bangkangsaging!" Sabi ng namamangka. "Aba! kay laki naman talaga ng bangka! at kay ganda ng kulay! kay sarap lamunin!" Sabi nig reyna. "Huwag naman," sabi ni Mardo, may pinot sa mukha. "Ito lamang, at ang aking katawan ang tangi kong pagmamayari!" "Siya, siya." sabi ni Teresa. "Pwede bang sakyan ang saging na yan?" "Oo, reyna" sagot ni Mardong Manggagawa. "Kahit pataas, o pababa, o pahalang. Kahit saan. Kahit hindi siya basa ay pwede sakyan! Kahit walang tubig, o kahit umuulan! Kahit may alimango, pwede sakyan!" "Pwede ko ngayo'y sakyan?" Tanong ni Teresa. "Kung gugustuhin reyna, ay maaari! gusto mong sakyan sa Kama, o kahit sa daanan, pwede sakyan!" Sagot ni Mardong. "Sige, dito na." Sabi ng reyna, at kanyang sinakyan ang bangkangsaging ni Mardong Manggagawa.

No comments: