Sagutan ang surbey na ito ng purong tagalog lamang at walang halong ingles.
(laughtrip comments in parentheses :D)
1.anong ayos ng buhok mo ngayon?
- sinabi ng aking stylist na isang pagsasama ng paraang Hapon at Koreano ang pagkagupit niya sa buhok ko. "buhok na kaakit akit" ang tawag niya sa paraang iyon. ('Sexy Hair' tawag niyta sa style na yun btw..)
2. kumusta na ang puso mo?
- may mga taba na nakadikit sa mga daluyan ng dugo, pero bukod dun, gumagana naman.
3. may iniisip ka ba ngayon? ano?
- ang aking gawang-sining para sa aking Pagsusuri at Panukat sa Sikolohiya. (Psych Testing...)
4. madali ka bang magalit?
- Bathala hindi. (Lord, no. HAHAHAHAHA)
5. kelan ka huling nakakita ng unggoy?
- noong isang taon habang nagtratrabaho sa Sentrong Pang-hayop ng Maynila (Manila Zoo :D)
6. kelan ka huling uminom ng taho?
- noong isang taon sa Pamamantasan na pinapasukan ko.
7. anong huli mong ininom?
- tubig
8. may crush k b ngayun??
- wala akong iniibig sa panahong ito. (shame how Tagalog doesn't have a word for infatuation... just love.)
9. single? taken? o reserved?
- magisa (single :D)
10. kelan ka huling tumawa?
- kanina habang binabasa ang mga sagot ni Karl sa panukat na ito. (no C's in Tagalog..)
11. madali ka bang maimpluwensyahan?
- Datapwat hindi (wth does datapwat mean anyway)
12. e may lakad ka ba mamaya? kung wala ano gagawin mo?
- uuwi ako sa aming tahanan.
13.may pinoproblema ka ba ngayon?
- Yung aking gawang-sining para sa Pagsusuri at Panukat sa Sikolohiya.
14. anong pinakagusto mong nabili?
- pagkain.
15. mahilig ka bang tumakbo?
- hindi.
16. anong huli mong napanood sa tv?
- ang parangal Oskar sa Mundong Tala ( Star World hehehe)
18. madali ka bang magpatawad?
- Oo. Parang isinabi ng panginoon ay magpatawad tayo ng pito at pitompu.
19. malikot ka ba?
- hindi. masunurin akong bata.
20. anong mas gusto mo? single na gusto mo plang o taken na mahal mo na?
- nakuha na, mahal ko pa. Mahal ko, kaya ipaglalaban ko ang ating pagibig. Maghintay ka lamang, at darating ako. (Panday theme song with corrected grammar. "ay" isn't a Pilipino or Tagalog word.)
21. last friend/s you have been with?
- Hindi ko maintindihan ang tanong ng ginoo.
22. ilan ang sim mo?
- isa
23. sino madalas mO ka text?
- ang aking pinaka matalik na.... kasamahan sa klase... (kagrupo isn't Tagalog... what's Tagalog for group??)
24. anong pinapakinggan mo ngayon?
- "Nangagalaiti Ako sa Katotohanan na Kung Gaano Kita Kamahal" ni Rihanna at Neyo. (I Hate That I Love You So wek wek.)
25. san ka nakita last sunday?
- sa Pamantasan para sa isang paguusap ukol sa Pilosopiya.
26. may curfew ka ba?
- wala.
27. anong pinagkakaabalahan mo ngaun?
- pangugugol ng kaalaman para sa aralin.
28. sa palagay mo cno sunod na ssagot sa survey na to?
- wala na.
29. cno ung taong huling nagpaiyak sayo?
- Ang walang katapat na si Jun Lozada!!!!! 'tang ina mo Jun.
(I'm literally perspiring after that... It was an ordeal just trying to right the whole thing in proper Tagalog... and I've seen 3 mistakes already, but I won't edit... Lesson learned is that I need to get to know my language better.)
No comments:
Post a Comment